ནང་དོན་གཙོ་བོ་ལུ་འགྱོ།

Pakiramdam Ko'y Ligaw, Wasak...

Person walking

“Pakiramdam ko'y ligaw ako, walang pag-asa, wasak at nag-iisa. Mag-isa akong nakikipagbuno sa walang kabuluhang buhay na ito, at walang nagmamalasakit sa akin.” - ganito ang nararamdaman natin kung minsan.

22Ibigay mo sa Panginoon
ang iyong mga alalahanin
at ikaw ay kanyang kakalingain.
Hindi niya pababayaan
ang mga matuwid, magpakailanman.
( Salmo 55:22 )
18Malapit ang Panginoon
sa mga may bagbag na puso,
at tinutulungan niya ang mga nawawalan ng pag-asa.
( Salmo 34:18 )

Una, hindi ka nag-iisa. Ang ating Diyos, na lumikha ng Lupa at Langit, ay malapit sa iyo ngayon. At dinala ka Niya sa web page na ito. Walang aksidente sa mundong ito, at walang nangyayari nang wala ang pagkalinga ng Diyos.

29Hindi baʼt napakamura lang ng halaga ng dalawang maya? Ngunit wala ni isa man sa kanila ang nahuhulog sa lupa nang hindi ipinapahintulot ng inyong Ama.
( Mateo 10:29 )

Buksan mo ang iyong puso sa harap ng Panginoon mong Diyos, at huwag kang matakot.

28“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. 29Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil ako ay maamo at may mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, 30dahil madaling sundin ang mga utos ko11:30 Sa literal, sapagkat ang aking pamatok ay madaling dalhin.at magaan ang ipinapagawa ko.”
( Mateo 11:28-30 )
10Huwag kang mangamba,
sapagkat kasama mo ako;
huwag kang malungkot,
sapagkat ako ang iyong Diyos.
Palalakasin kita at tutulungan.
Aalalayan kita sa pamamagitan
ng kamay kong nagliligtas.
( Isaias 41:10 )

Ang sakit na nadarama mo at ang mga suliraning dinaranas mo ay hindi na iyong mga suliranin. Ngayon, ang mga ito ay mga suliranin na ng Panginoon mong Diyos.

22Ibigay mo sa Panginoon
ang iyong mga alalahanin
at ikaw ay kanyang kakalingain.
Hindi niya pababayaan
ang mga matuwid, magpakailanman.
( Salmo 55:22 )
7Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.
( 1 Pedro 5:7 )

Ngayon, kunin mo ang iyong puso, ang pusong nagdala sa iyo rito, at ibigay mo ito sa Panginoon.

26Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. At ang matitigas ninyong puso ay magiging pusong masunurin. 27Ibibigay ko rin sa inyo ang aking Espiritu upang maingat ninyong masunod ang mga utos koʼt mga tuntunin.
( Ezekiel 36:26-27 )

Ang espiritung tinanggap mo ay hindi espiritu ng dati mong sarili, hindi espiritu ng takot.

7Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.
( 2 Timoteo 1:7 )

Damhin mo ang espiritu sa loob mo, ang bagong ikaw.

13Nawa ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, upang patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
( Mga Taga-Roma 15:13 )

Ang espiritung ito ay hindi pansamantala, hindi ito para lamang sa araw na ito...

38-39Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.
( Mga Taga-Roma 8:39 )

Ngayon, iwan mo ang dati mong buhay at sumunod kay Jesu-Cristo, ang ating nag-iisang Tagapagligtas, ang Anak ng Diyos na buháy.

12Muling nagsalita si Hesus sa mga tao, “Ako ang ilaw ng mundo. Ang sinumang sumusunod sa akin ay hindi na mamumuhay sa kadiliman, dahil nasa kanya na ang ilaw na gumagabay patungo sa buhay.”
( Juan 8:12 )
Ang Salita ng Diyos (ASD)