christianity
Sino si Jesus, at bakit siya napakahalaga?
Sino si Jesus?
Tao? Propeta? Anak ng Diyos, o ang Diyos mismo? May tunay bang espesyal sa kanya?
Siya ang batong panulok na hindi pinansin ng mga tagapagtayo, itinakwil ng mga dalubhasa sa Torah, isang batong ikinatisod ng sangkatauhan. Gayunman, naging siya ang pinakatanyag na taong nabuhay sa mundo. Ang kanyang buhay at mga turo ay naghati sa sangkatauhan sa tatlong malalaking relihiyong Abrahamiko.
Ano ang napakaespesyal sa ginawa niya para sa sangkatauhan? Paano ito nangyari, at bakit? Alamin natin.
Ano ang ibig sabihin ng "Ibigin ang inyong mga kaaway"?
Isang utos na tila imposible
Kaya nating ibigin ang ating kapwa, pamilya at mga kaibigan. Ngunit ano ang ibig sabihin ng umibig sa isang kaaway? Kailangan ba talaga natin itong gawin?
Nakipagbuno si Jacob sa Diyos at nanalo. Ano ang ibig sabihin nito?
Habang pauwi si Jacob upang makipagkita sa kanyang kapatid na si Esau, nakipagbuno siya sa Diyos buong gabi, at sa pagbubukang-liwayway ay sinabihan siyang nanalo siya. Ano ang ibig sabihin nito? Paano mananalo ang isang karaniwang tao laban sa Diyos?
Ang gabi sa tabi ng ilog
Pabalik na si Jacob matapos ang dalawampung taong pagkawala. Umalis siya noon sa kanilang tahanan dahil gustong patayin siya ni Esau. Ngayon, nabalitaan niyang sasalubungin siya ni Esau na may kasamang hukbo:
Paano natin susundin ang Diyos? Paano nais ng Diyos na tayo ay mamuhay?
Sa ating buhay, habang tayo ay nagkakaedad, madalas nating maisip kung paano mamuhay nang tama, kumilos nang wasto, at kung saan hahanapin ang kaligayahan at ang tunay na kahulugan ng buhay. Hindi tayo nasisiyahan sa mamahaling mga bagay na ating binibili o sa ating mga tagumpay…
Narinig na natin na si Jesus ay nagliligtas ng ating buhay. Sapat na ba iyon, o kailangan din nating gumawa ng anuman?
Bakit napakaraming simbahang Kristiyano?
Napakaraming simbahan sa mundo, at bawat isa ay may kani-kaniyang tradisyon, ritwal at paniniwala. Alin ang dapat nating salihan?
Katoliko, Ortodokso, Baptist, Luterano, Metodista, Presbiteryano... May dose-dosenang malalaking denominasyong Kristiyano, at maraming simbahan ang madalas na lumalayo sa ibang mga simbahan, at binibigyang-diin ang mga pagkakaiba sa ritwal at paniniwala.
Mabuti ba para sa Kristiyanismo na magkaroon ng iba't ibang simbahan, upang makasali ang bawat isa sa simbahang pinakaangkop sa kanya?
Ano ang tugon ng isang Kristiyano sa pandemya?
Isang di-mapigilang virus, na tulad ng isang malakas na bagyo, ang naglalakbay sa mga kontinente at nakahahawa sa mga tao sa paligid natin. Para sa ilan sa atin, inaagaw nito ang ating trabaho at ang buhay ng mga taong minahal natin. Pakiramdam natin ay wala tayong pag-asa laban sa isang virus na wala tayong lunas. Para tayong nakalutang sa isang maliit na bangka sa gitna ng malakas na unos.